guys, basin makarelate mo sa letter ni amang..
Dear anak,
Naipadala ko na 'yung P50,000 na pang-tuition mo. Naipagbili na namin 'yung kalabaw natin. Ang mahal pala ng Counter Strike na kurso mo! Wala na rin tayong mga baboy; naipagbili na rin para doon sa sinasabi mong project, Nokia N73 ba 'yon? Ang mahal pala ng project mo dyan sa Maynila! Kasama din 'yung P7,000 para sa field trip n'yo sa Mall of Asia. Malayo ba 'yon? Bakit ang mahal? Pasensya na, anak, kung medyo natatagalan kasi isasanla pa namin 'yung palayan para mabili mo 'yung instrumentoing iPod. Para saan pala 'yon? Nagtatanong pala ang inang mo kung napailaw n'yo na ba 'yung pinagpupuyatan n'yong San Mig lights? Sapat na ba 'yung hinihingi mong P10,000 para doon? Sana grumaduate ka na, anak, kasi wala na kaming maibebenta na ari-arian natin. Naubos na! Pero wag mag-aalala kasi nakausap ko na rin 'yung magpapautang sa akin para may maipadala uli s'yo kung may kakailanganin ka pa sa pag-aaral mo. Medyo may kataasan nga lang ang patong na patubo, pero basta ang mahalaga sa amin ng inang mo ay matupad mo ang mga pangarap namin na makatapos ka ng pag-aaral. Ingat ka lagi dyan at wag ka masyadong magpupuyat, ha. Sana naman madalaw mo kami sa darating na bakasyon kasi sabik na kaming makita ka, pati na rin 'yung mga kalaro mo dito. Magdasal ka lagi!
Nagmamahal,
— AMANG