Narinig ko po lalung lalo na sa kampo ng maka Gloria na wala na daw. Laos na daw ang people power. Â*Ako po ay hindi sumasangayon sa pananaw na ito. Â*kung ibase lang po natin sa nagyaring kilos protesta sa daan ay we will just miss the point. Â*Oo nga at walang nangyaring people power sa rally dun sa Makati. Â*Pero hindi po natin talagang masabi na dahil walng nangyaring earthshaking changes ay wala ng people power.
Ang nangyari po ay nasa diwa pa rin ng bawat Pilipino ang people power. Â*Kaya lang ay careful na sila ngayon. Â*Look, they drive out Erap thru people power in the hope na yung papalit na GMA ay mas mabuti kaysa ni Erap. Â*At ngayon po nang malaman ng taumbayan na WORSE pala yung ipinalit nila ay medyo napagod na sila. Â*Ibig sabihin, ay nasayang lang po ang ibinuwis na buhay nila eh pareho at mas malala pa ang nangyari. Â*Ngayon before na susugod ang mga tao sa daan ay gusto na nilang nakakasigurado na kung may people power man, ito talaga ay magdala ng TUNAY na pagbabago sa sistema ng gobyerno at hindi lang pagbabago ng mga PERSONALIDAD na mamumuno.
Nakita naman natin sa reaksyon. Â*"tanggalin mo si Gloria, eh sinong ipapalit mo? Â*Mga trapo din ang gustong pumalit." Â*Ako po ay nagagalak dahil nakita ko na nag ma mature na ang Pilipino. Â*Pagod na sila na alisin ang isang trapo at ipapalit ang bagong trapo pa rin. Â*Ito po ay nagpapakita po lamang na pagod na ang mamamayan sa isang trapo at elitistang sistema. Â*Pagod na po ang mamamayan sa isang liderato na nakatali sa naghaharing uri at sa mga kapitalista. Â*Ang gusto Â*po ng mga mamamayan ay isang liderato na tunay na maninilbihan sa kanila at nagtanggol sa kanilang katauhan at interes at hindi sa mga pansariling interes ng mga trapo at elitistang politiko.
Kaya po lumala ang katiwalian at korapsyon sa gobyerno ay naglagay tayo ng mga tao hindi pagsisilbi sa bayan ang iniisip kundi ang pagsulong lamang sa kani kanilang pansariling interes. Â*ginawa pong malaking negosyo ang pamahalaan to promote their business at and family interest kaysa kapakanan ng bayan.
Uhaw na uhaw na po ang mga tao nang tunay at makahulugang pagbabago. Â*Siguro ito na po ang pinaka magandang pagkakataon na kunin ng taumbayan ang initiative na tuluyan ng mapalitan ang sistema ng isang tunay na makabayan, makamasa, makatao, at maka Diyos na gobyerno.
Kaya dapat hindi gamitin ni GMA ang pagiging tahimik ng tambayan sa People power. Â*Walang people power pero hindi po dahil sumusuporta sila kay GMA kundi namamatyag lang po ang taumbayan sa tamang panahon para hindi na naman masayang ang People Power. Â*Wala pong people power pero ibinuhos po ang sama ng loob at galit ng sambayanan sa pamahalaang Arroyo sa pamamagitan ng surveys na kung saan ay palaging BUGBOG SARADO si GMA. Â*Dapat this is the cue to Mrs. Arroyo that she has lost the moral ground to lead this country. Â*The people had lost their faith in her leadership. Â*Its time for her to reflect that all is lost and the only way out is to bow gracefully by resigning voluntarily with honor.