Napabalita na na si Manila Archbishop Gaudencio Rosales at dating Pangulong Cory Aquino ay nakaipag usap na kay Vice President De Castro.
Siguro ito na po ang hudyat na kumbinsido na ang dalawa na dapat nang bumaba si Mrs. Arroyo at ang ipalit nito ay si Bise Presidente Noli De Castro.
Kaugnay nito, nagpahayag na din si dating Pangulong Joseph Estrada na siya ay susuporta sa sinumang papalit kay Mrs. Arroyo. Di na rin aniya siya interesado pang bumalik sa pag ka pangulo ng bansa.
Sa mga kaganapang ito ay medyo masasabi ko na na namumuo na ang scenario na magbubukas sa posibilidad na si Bise Presidente Noli na ang susunod na pangulo natin.
Sa akin ay ok na rin si Noli. Medyo malinis pa ang pangalan at di talaga natin ma pagkaila na may hatak din siya sa masa.
Hindi siguro natin mamaliitin ang kakayahan nitong si Noli De Castro. Kapamilya din ito at mukhang maasahan rin naman.
Palagay ko katanggap tanggap si Noli. Palagay ko rin na anumang araw sa linggong ito ay magpapahayag na nang posisyon si Arch. Rosales at si dating Pangulong Arroyo hinggil sa pag uusap na ito.
Sana naman para matapos na to'.