From gmanews.tv:
Full Text: President Arroyo's statement on the Makati standoff
11/29/2007 | 07:02 PM
What follows is the full text of the statement aired over national television of President Gloria Macapagal Arroyo on the Makati standoff:
"Mga kababayan, nagpupugay tayo sa mga alagad ng batas, katulong ang mga kawal ng Sandatahang Lakas, sa mabisa at mabilis na pagresolba sa ligalig sa Makati. Ating ini-utos na pawiin ang anumang mga bantang nalalabi upang mapa-iral nang lubusan ang batas at kaayusan.
"Dapat walang duda sa pag-iral ng batas sa bansang ito, at sa kakayahan ng Pamahalaan na iaptupad ang tama laban sa mali.
"Ang mali at ligaw na gawain ng iilan ay hindi nangungusap para sa taong bayan o sa hukbo at kapulisan. Gaya ng dati, ipapataw sa kanila ang buong tindi ng katarungan nang buong higpit at walang palugit.
"Itutuloy ang paglitis ng mga rebeldend sundalo hanggang sa wakas alinsunod sa batas. Ayon sa nararapat, maghahanda ng karagdagang mga asunto upang panagutin ang mga gumawa ng bagong krimen.
"Walang patid ang linya ng panunungkulan ng Sandatahang Lakas; at patuloy ang ating mga kawal at pulis sa kanilang makabayani at mapagmalasakit na paglilingkod sa buong bansa. Nananalig tayo sa mga naka-uniporme sa kanilang pagtataguyod ng lehitimong awtoridad at mahal na watawat.
"Nananawagan tayo sa lahat na talikdan na itong sandaling ligalig at balikan ang gawain ng taumbayan. Hindi dapat matigil kahit sandali ang ating pakikibaka laban sa kahirapan at para sa katarungan.
"Paulit-ulit nating ipinamalas sa mundo ang katatagan ng mga institusyon ng ating demokrasya at ang kalakasan nitong pamahalaan. Saligan ng ating matatag na republika ang malakas na ekonomiya na buong itinataguyod ng sambayanang Pilipino." - GMANews.TV
link:
http://www.gmanews.tv/story/70738/Fu...akati-standoff