Page 1 of 7 1234 ... LastLast
Results 1 to 10 of 65
  1. #1

    Default Lihim ng Karunungan Ng Diyos/Oracion


    SHALOM and Happy Easter mga kaigsuonan sa Diyos!!

    Dugay nko Huwat2x kung naay mag open na discussion ani so mao ni nag himo ko ug thread.

    Ask ta ko ninyo kinsay naay nakahibaw sa mga " sakradong lihim na aklat ng Diyos"...Share2x ta ninyo sa inyo experiences gamit ug oracion, nigana ba? Ug mga precautions ninyo before mo mag sugod salin.. Basin pede ta magtapok ninyo sa kato lang mga taw gipamanahan sa libro ug kabalo nah sa lihim.

    -PALIHUG DLI LANG NATO IBUTANG ANG BUO UG SAKTONG ORACION SA KINSAY KAMAO DIRE KAY PUBLIC RABA NI NYA BAWAL PUD NAH ILANGTAD PUBLICLY KAY MAGAMIT UNYA SA BATI.

    -PRECAUTIONS sa gusto mag research:
    Palihug ayaw pataka kopya ug oracion na makit an ninyo sa net kay kasagaran dra buak ang sentence. Dako chance lain ang mainvoke ninyo sa inyong pagsalin. MAKE YOUR DUE DILIGENCE AND RESEARCH

  2. #2
    GAANO KA TOTOO ANG ORACION?

    Ang Banal na Kasulatan mismo ang nagpapatunay na mayroong mga karunungan at kaganapan na hindi naisulat sa Biblia at ito ay mababasa natin sa Aklat ni Juan; “Marami pang kababalaghang ginawa si Jesus na nasaksihan ng mga alagad, ngunit hindi natatala sa aklat na ito.” –Juan 20:30. Dagdag pa sa Juan 21:25 ay ganito naman ang pagkakasulat; “At marami pang ginawa si Jesus na kung susulating lahat, inaakala kong hindi magkakasya kahit sa buong daigdig ang mga aklat na masusulat.” At kung pag-aaralan natin ang talambuhay ni Jesu-Cristo; mapapansin natin na ang istorya ni Jesu-Cristo na naisulat sa Biblia ay nagsimula noong siya’y ipinanganak hanggang sa nagka-edad si Cristo ng labindalawang taon (12 years old) – Lucas 2:41-52. Sa edad na labindalawang taon ni Jesu-Cristo na putol ang istorya niya. Wala nang naitala sa bibliya kung ano ang mga nangyari sa pagkalipas ng ika-labing dalawang taon gulang niya. Sa Lucas 3:23, matutunghayan natin muli ang istorya niya. Ang edad niya na rito ay tatlumpu (30 years old) hanggang tatlumpu’t tatlong gulang, na kung saan sa edad na 33 ay namatay si Jesu-Cristo. Kung mapapansin na natin ang istorya ni Jesu-Cristo noong nasa edad siya ng ika-13 hanggang ika-29 gulang niya ay hindi naisulat sa Biblia. At imposibleng walang nangyari o nagawa si Jesu-Cristo sa loob 17 years na hindi naisulat sa Biblia. Kung bibilangin natin ang kabuuhan ng bilang na taon ng buhay ni Cristo na naisulat sa Biblia ay may kabuuhang labing anim na taon. At labing pito naman ang kabuuhang bilang ng taon ng buhay ni Cristo ang hindi naitala sa Biblia.

    Sa Aklat ni San Mateo ay may binabanggit si Jesu-Cristo na isang uri ng bautismo na iniutos niya lamang sa kanyang mga alagad; “Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.” - Mateo 28:19. May binabanggit ditong ngalan na Ama, ngalan ng Anak at ngalan ng Espiritu Santo. Kung tatanungin natin ang mga tagapagturo ng kristiyanismo tungkol sa ngalan ng Ama; sasabihin nila na ang pangalan ng Ama ay Yahweh, ang iba nama’y Jehova, ang iba nama’y El Shaddai, ang iba nama’y Allah ( sa relihiyong muslim). At kung tinanong naman natin si Jesu-Cristo ayon sa Kasulatan, ang pangalan ng Ama na binanggit niya ay ELOI (Marcos 15:34). Ang lahat ng mga pangalang nabanggit ay tunay na pangalan ng Diyos Ama. Tungkol naman sa ngalan ng Anak, iisa lamang ang pangalan na binabanggit ng bawat kristiyano at ito’y walang iba kundi ang pangalang Jesus. Tungkol naman sa ngalan ng Espiritu Santo, nakalulungkot sabihin sapagkat walang relihiyon ang nakapagturo kung ano nga ba ang pangalan ng Espirito Santo. Kahit magbukas tayo ng Banal na Kasulatan; mula sa Aklat ng Genesis hanggang sa Aklat ng Pahayag ay hindi natin makikita ang pangalan ng Espiritu Santo. Sa ganitong sitwasyon; paano natin maipagmamalaki ang kinagisnan nating relihiyon, ang kinikilalang mangangaral, at ang sariling pananampalataya kung kulang naman ang kaalaman natin sa larangan ng pang-espirituwal. Paano natin masasabing buo ang pananampalataya natin sa Diyos kung kulang naman ang kaalaman natin sa Diyos?

    Sa aklat ni Daniel, Aklat ng Pahayag, Aklat ni Isaias, at Aklat ng Corinto ay may binabanggit na mga karunungang nailihim o mga karunungang hindi naitala sa Banal na kasulatan. Sa aklat ni Daniel ay ganito ang pagkakasulat:“Daniel, ingatan mo muna ang mga salitang ito at isara ang aklat hanggang sa takdang panahon. Marami ang magsasaliksik upang tumuklas ng karunungan…Hindi ko maunawaan ang kanyang sagot kaya nagtanong ako uli, ‘Ginoo, ano’ng talaga ang mangyayari? Sinabi niya sa akin, ‘Tumahimik ka na, Daniel. Ang kahulugan nito’y mananatiling lihim hanggang sa huling araw.’” – Daniel 12:4,8-9. Sa aklat ng Corinto ay ganito naman ang pagkakasulat: “Ngunit sa mga may sapat na gulang sa pamumuhay sa espirituwal, karunungan ang ipinangangaral namin, subalit hindi karunungan ng sanlibutan ito o ng mga tagapamahala sa ngayon na nakatakdang malipol. Ang tinutukoy ko ay ang panukala ng Diyos, na nalihim sa tao; itinalaga niya ito para sa ating ikaluluwalhati, bago likhain ang sanlibutan.” – 1 Corinto 2:6-7. Sa aklat ni Isaias ay ganito naman ang pagkakasulat: “Lahat ng hula ko ay pawang natupad, inyo nang kilalanin ang katotohanan nito, ngayo’y may ihahayag akong bago, mga bagay na hindi ko inihayag noong una. Ngayon ko pa lang ito pangyayarihin, wala pang pangyayaring katulad nito para hindi ninyo masabing ito’y alam n’yo na.” – Isaias 48:6-7. Sa aklat ng Pahayag ay ganito naman ang pagkakasulat: “Nang matapos ang dagundong ay susulat sana ako ngunit narinig ko ang isang tinig mula sa langit na nagsabi, ‘Ilihim mo ang sinabi ng pitong kulog, huwag mong isulat!’” – Pahayag 10:4.

    Kung uunawain nating mabuti ang mga nabanggit sa mga naunang talata; may mga hula na mababasa sa Lumang Tipan at ang iba nito ay naganap na; na siya namang mababasa natin sa Bagong Tipan. Subalit maraming hula na mababasa sa Luma at Bagong Tipan ang hindi nagaganap noong panahon na isinusulat ang Banal na Aklat; na siya namang nagaganap sa panahon natin ngayon. Sa madaling salita ang Diyos ay mayroong Tagong Karunungan at Hayag na Karunungan.

    Sa aklat ng Genesis ipinahayag dito ang paglikha ng Diyos sa daigdig at sa sangkatauhan. Sa loob ng anim na araw natapos ang Kanyang paglikha at pagdating sa ika-pitong araw ang Diyos ay nagpahinga. Kung aalamin natin ang lahat ng nilikha ng Diyos, maitatanong natin kung papaano kaya nilikha ng Diyos ang mga anghel na binabanggit sa Hebreo 12:21-22. Paano rin nilikha ng Diyos si Arkanghel Gabriel na nagpakita kay Maria na ina ni Jesus (Daniel 9:21, Lucas 1:26); maging si Arkanghel Miguel na nakidpaglaban kay Satanas (Pahayag 12:7, Daniel 12:1); maging si Satanas ay paano rin nilikha ng Diyos (Mateo 4:10-11). Ang 24 Matatanda at Apat na Buhay na Nilalang na binabanggit sa Pahayag 19:4; ay maitatanong din natin kung papaano sila nilikha ng Diyos. Saliksikin man natin ang Kasulatan, hindi natin matatagpuan ang sapat na kasagutan sa ating mga katanungan. Nangangahulugan lang na mayroong Tagong Karunungan ang Diyos na ipapahayag lamang sa tamang panahon.

    Lahat ng kristiyano ay nananabik at umaasa sa ikalawang pagbabalik ni Jesu-Cristo. Subalit bago maganap ang ikalawang pagparito ni Jesu-Cristo; ang Diyos ay mayroon munang susuguin na isa pang Patnubay dito sa lupa saka lang magaganap ang pagdating nii Jesu-Cristo. Ayon pa kay Cristo na ang pag-alis niya ay para sa ikabubuti ng lahat sapagkat kung hindi siya aalis, hindi darating ang Patnubay. At pagdating ng patnubay siya’y magpapatotoo at sasabihin Niya ang mga bagay na darating. Ito ay mababasa natin sa Juan 14:16 at ganito naman ang pagkakasulat:“Dadalangin ako sa Ama at kayo’y bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman.” At sa Juan 16:7-8 ay ganito naman ang pagkakasulat: “Ngunit dapat ninyong malaman ang katotohanan: ang pag-alis ko’y para sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kung umalis ako, susuguin ko siya sa inyo. Pagdating niya ay kanyang patutunayan sa mga tao sa sanlibutan na mali ang pagkakakilala nila sa kasalanan, at ipakikilala niya kung ano ang matuwid at kung ano ang kahatulan.” Dagdag pa sa Juan 16:12-13 ay ganito naman ang binabanggit; “Marami pa akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. Pagdating ng Espiritu ng Katotohanan tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan, sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang kanyang sarili. Sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig at ipapahayag ang mga bagay na darating.” Sa madaling salita bago natin ituon ang ating isipan sa pagbabalik ni Jesu-Cristo; sikapin muna nating matagpuan ang Patnubay upang malaman natin ang bagay na gustong ipahayag ni Jesu-Cristo at ang mga bagay pang darating.

    Ang lahat ng Kristiyano ay umaaasa sa ikalawang pagparito ni Jesu-Cristo, subalit ayon sa mga naunang talata na ating nabasa at naipaliwanag, dapat muna nating matagpuan ang Patnubay na susuguin bago natin ituon ang ating isipan sa pagbabalik ni Jesu-Cristo. Sapagkat si Cristo na rin ang nagsabi na marami pa siyang gustong sabihin at ang Patnubay lamang ang magpapatotoo nito at magsasabi ng mga bagay na darating (Juan 16:12-13).

    Kung ang Diyos ay may Karunungang nailihim sa tao. Mga Karunungang hindi naisulat sa Biblia; mga Karunungang magtuturo ng tamang pananampalataya at kaligtasan. Tandaan natin na ang lihim ay hindi mananatiling lihim kung pagsisikapan natin itong tuklasin.

    Sa Lucas 12:32 ay ganito ang sinabi ni Jesu-Crito: “Huwag kayong matakot munting kawan sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.” Napakapalad ang sinumang mapabilang sa munting kawan na ito sapagkat makasisiguro tayo ng dito natin matatagpuan ang Patnubay na tinutukoy ni Jesu-Cristo.
    -author (JM)

  3. #3
    Para asa ning oracion brad, exclusive ra ni? Asa ta patudlo ani?

  4. #4

  5. #5

  6. #6
    Uu exclusive nah na nga oracion kay gipabawal mana ipanghatag bisag kinsa, kay pede magamit sa bati. Cge lang if interesado dyud ka ug nindot imo purpose ngani gusto ka makahibaw aning pede.tka mainvite puhon if naa tay makit an dire na na nagpractice ug spiritual pud para pud naay maka guide nato kay dli ni siya duwa duwa na hobby.

    - - - Updated - - -

    Quote Originally Posted by coco martin View Post
    Hahahaha

  7. #7
    basi sa ako nahibaw-an, nagkinahanglan kini'g oras og dedikasyon...
    sakto nga dili kini matabastabas...

  8. #8
    Quote Originally Posted by diablo85 View Post
    basi sa ako nahibaw-an, nagkinahanglan kini'g oras og dedikasyon...
    sakto nga dili kini matabastabas...
    sakto kay if seryoso ka na spiritualista kay moagi 108 days na i training imong lawas pra sa chakra nya 7 months para sa encantation..naa kay nailhan na maestro dire Cebu bro na pede nato maduol?

  9. #9

  10. #10
    LATIN, Paano ito mapapagana ang oracion?

    Ang paksang ito ay sadyang ginawa para sa mga kalalakihan o kababaihan na nagsasaliksik ng mga oraciong pang-gayuma o iba pang oraciong pagdepensa at panggagamot. Marami ang nga nagtatanong kung papaano paganahin ang isang oracion o kung gumagana ba ito? Ang paksang ito ay magsisilbing guidelines sa mga nagnanais mag-aral ng tagong karunungan.

    Ang Latin ay mayroon iba’t ibang klase. Katulad ng salitang Filipino; mayroon itong cebuanao, ilokano, kapampangan, tagalog at marami pang iba. Ganoon din ang Latin; mayroong Greek Latin, Spanish Latin, English Latin, Arabic Latin, Aramaic Latic, Revised Aramaic Latin at marami pang iba. Bawat klase ng latin ay mayroong rules at guidelines sa pagbigkas nito at kung papaano ito mapapagana.

    Narito ang mga kabuuhang guidelines sa pag-aaral ng latin:
    1. Tamang pagbigkas
    Sa paggamit ng oracion, napakahalaga ang tamang pagbigkas. Kapag mali ang bigkas mo ng isang oracion; katulad ka ng isang tao na pilit binubuksan ang kandado pero mali ang susi na gamit. Ibig sabihin, hindi gagana ang isang oracion kapag mali ang bigkas mo. Kung makakuha ka ng isang oracion; tanungin ninyo ang nagbigay sa inyo nito; kung ano ang mga tamang pagbigkas nito.

    Halimbawa ang salitang matatagpuan natin sa krus ni Jesu-Cristo na I.N.R.I. na may kahulugang “iesvs nazarenvus rex ivdaeorum” (latin).


    a. Ang Salitang “JESUS” ay makikita sa halos lahat ng klase ng latin subalit ito ay may iba’t ibang paraan ng pagbigkas depende sa klase ng latin ito napapaloob o napapabilang. Sa ibang klase ng latin ang Jesus ay binigkas na HESUS – “He-sus”. Sa iba, binibigkas itong JESUS - “DYE-SUS”. Minsan ito’y binigkas na IESUS – “IYE-SUS”.

    b. Kung ang latin ay binubuo ng mga magkakasunod na vowels (aeiou) o consonant (bkdghlmn…). Ito binibigkas ayon sa pantig nito o minsan nilalagyan ito ng consonant para mabigkas ito ng tama o depende pa rin rules ng latin kinabibilangan nito. Ang latin na “IUDAEORUM”; sa ibang rules ng pagbigkas; ito ay binibigkas na “I-U-DA-E-O-RUM”. - binibigkas ayon sa pantig nito. Sa ibang rules naman ito ay binibigkas na “IYU-DA-YE-WO-RUM” – dinadagdagan ng consonant. Sa ibang rules naman ito ay binibigkas na “JU-DA-YE-WO-RUM” – ang unang titik “i” sa salita ay ginagawang titik “j”

    2. Obserbahan mabuti ang paggamit ng “Symbol”
    Narito ang halimbawa ng mga gayuma na kumakalat sa internet:

    (BLANK WORD MEANING WALA NAKO GIBUTANG ANG SAKTO NA LATIN WORD PARA DLI MAKOMPLETO ANG ORACION

    a. Gayuma 1:
    +++
    NEMINE TRITARUM (BLANK WORD) CHRISTUM SUMATUS TUISUT.
    (Usalin ang kompletong pangalan ng gagayumahin 3x)
    Susunod ka sa lahat ng nais ko, ako ang laging nasa isip mo at
    ako ay iyong mamahalin habang buhay.ESAELE ERKIMI SAULO KIMI SAULO.

    b. Gayuma 2:
    ACTUM ACTUM (BLANK WORD) LITIM ISUM KRISTUM LIVERA MIA MALO EGOSUM. Amen.
    +++

    c. Gayuma 3:
    + SANCTUM CHRISTUM DEUS SPIRITO SANCTO DEUS (BLANK WORD) RESPOSINET IGLORIAM + BITAMAT TUMATBEM SINUROM DEUS CHRISTUM CRISTO EGOSUM

    d. Gayuma 4:
    BIYATAM (BLANK WORD) MAGDALINAM + VERTUSUM KIDIM

    Kung mapapansin ninyo ang mga halimbawa; mayroon kayong symbol na makikita at ito ay “+” . Ang paggamit ng symbol ay may malalim na kahulugan at sadya itong ginamit. Una, pinapanatili nito ang kasagraduhan ng Latin. Pangalawa, upang ito’y hindi magamit ng ibang tao lalo na sa mga taong may masamang balak sa kapwa.

    Narito ang ilang kahulugan ng simbolong “+”:

    1. Mag-“sign of the cross”. Sa Latin na “+++ NEMINE TRITARUM…”; maaaring sinasabi nito ang mag- sign of the cross ka ng tatlong beses. Sa pag-sign of the cross; maaari itong kumpas lang ang kamay o may babanggitin kang wika na : “IN NOMINE PATRI ET FILII ET SPIRITU SANCTO” o “CRUX SANCTI PATER BENEDICTE”.

    2. Literal na salitang “krus/crux/cruz”. Maaaring ang kahulugan ng “+++ NEMINE TRITARUM…” ay “CRUZ CRUZ CRUZ NEMINE TRITARUM…”.

    3. Spiritual na paghahanda sa sarili:
    Sa Marcos 5:41-43, binabanggit dito ang isang kababalaghan na ginawa ni Cristo; kung saan siya ay bumuhay ng isang patay na babae. Ganito ang pagkakasulat: “41 Hinawakan niya ang kamay ng bata at sinabi sa kaniya: “TALITHA KUMI!” Ang ibig sabihin nito ay: Dalagita, sinasabi ko sa iyo: Bumangon ka. 42 Agad na bumangon ang dalagita at lumakad. Siya ay labindalawang taong gulang na. Lubhang namangha ang mga tao. 43 Mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila na huwag itong ipaalam kahit kanino. Sinabi rin niya na bigyan nila ng makakain ang dalagita.” Sa talatang nabanggit mapapansin natin na mismong si Jesu-Cristo ay gumamit ng Divine Words na TALITHA KUMI upang bumuhay ng patay. Dagdag pa sa Marcos 7:33-34 si Jesu-Cristo ay gumamit muli ng isang Divine Word na EFFATA noong pagalingin niya ang isang pipi’t bingi. “Inilayo muna ni Jesus sa karamihan ang lalaki, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, lumura si Jesus at ipinahid ito sa dila ng pipi. Tumingala si Jesus sa langit at nagbuntong-hininga. Pagkatapos, iniutos niya sa tainga ng lalaki, “EFFATA!”, na ang ibig sabihi’y, “Bumukas ka!”

    Si Jesu-Cristo ay gumamit ng Aramaic Latin na TALITHA KUMI at EFFATA noong buhayin niya ang patay at pagalingin ang pipi’t bingi. Subukan mo kayang humarap sa isang pipi’t bingi at banggitin ang salita “EFFATA”; sa tingin ninyo gagaling kaya ito? Kung sasabihin ninyo namang; si Cristo yaon at ako’y ordinaryong tao lamang. Ang katanungan ko naman ay ganito: Iyang pinag-aaralan mo bang gayuma ay para sa iyo ba talaga? Papaano kung ang oracion mo ay ginagamit ni Haring David o Haring Solomon noon; masasabi mo pa rin bang si David o Solomon yaon at ako’y ordinaryong tao lamang.

    Naaalala ko limang taon na ang nakakalipas. Sa lugar na namin marami ang may sakit na kulam, bati/usog, ginayuma at sinasaniban ng masasamang espiritu. Mayroon kaming kapitbahay na sinapian ng masasamang espiritu; dahil sa nasa trabaho ako noong mga oras na yaon; yung tiyahin ko ang nagsubok na magpalayas ng bad spirit. Inabot siya ng tatlong oras; hindi niya napalayas ang ang bad spirit hanggang sa makarating nalang ako ng bahay. Sinubukan kong i-drive away ang bad spirit sa loob ng 30 minutes, napaalis ko ito. Nagtaka ang tiyahin ko at nagtanong kung anong wika o oracion ang binanggit ko. Sinabi ko sa kanya ang oracion ginamit ko at sinabi niya na iyon din ang gamit niya pero bakit hindi umalis ang bad spirit.

    Napakahalaga ng spiritual na paghahanda sa mga nag-aaral ng tagong karunungan. Halimbawa; ang electric fan na 220 volts kapag i-plug mo sa 110 volts na outlet; gagana kaya ang electric fan? Katulad ng Oracion may voltahe rin ito at dapat sapat ang enerhiya ng katawan natin upang mapagana ang isang oracion.

    AUTHOR: JM

  11.    Advertisement

Page 1 of 7 1234 ... LastLast

Similar Threads

 
  1. Imnunon ng MASA
    By pobre in forum Food & Dining
    Replies: 58
    Last Post: 10-10-2017, 06:14 PM
  2. Replies: 4
    Last Post: 06-30-2012, 02:34 PM
  3. *You should not be 'allergic' sa Salita ng Diyos*
    By The_Patriot in forum General Discussions
    Replies: 30
    Last Post: 09-19-2011, 08:48 AM

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top