These are merely a personal observation. (or a warning)
The problem with crappy networkers is they don't even know,
that they are repelling instead of attracting. Therefore be wise,
where you spend your precious time.
1. Ipapakita sayo ang kanyang weekly checks (proof of income) from recruiting bonus only.
But most of the time, yun lang ang pera nya at mauubos din sa panggalaw.
Meron din, bragging kumita ng MILYON (pero mukha pa din poor).
Totoo naman yun, kaso gross income. Ibig sabihin naubos din sa pag-ikot nya sa mga probinsya.
2. Walang galang sa negosyo nya, kung saan saan nagprepresent ng
"the next big thing, ikaw naman ang yayaman dito" syndrome.
Meron ako nakita, sa labas ng convenient store, sa gilid ng mall,
sa hallway ng mall, (while walking), sa public transportation,
habang kumakain, nakasalubong mo lang (pagkilala na networker ka din),
sa cellphone, sa email, sa facebook PM, and yet he self-proclaimed being "entrepreneur / businessman". What a trash!
No wonder, bakit masama image natin sa karamihan,
di na natin mababago ito, pero sana mabawasan.
My Rule:
I never give presentation, unless you ask for it. You should too.
3. Hindi mo daw kailangan magbenta, kundi magrecruit ka lang ng magrecruit until mapagod ka kakainvite.
Mostly likely recruiting ka talaga, kung ang product mo yun tipong; karton o membership cards, product na mismo ikaw hindi mo ulit bibilin o gagamitin, common na sa market, ebooks and videos etc.
Pero ang sample nila ng leverage ay sina Henry Sy, Gokongwei, Lucio Tan, Bill Gates, Steve Jobs, at marami pang iba.
Hello? naging bigtime ba sila dahil naenhance yung skills nila sa pagrerecruit
(yun mangako ka na yayaman ung kausap mo pero ikaw di pa mayaman?)
What they develop if I'm not mistaken were selling skills at people skills.
At ikaw ayaw mo matutunan magbenta? I'm not talking about door-to-door selling, you can either use, target-marketing, attraction-marketing, effective advertising etc.
If you can create a massive consumers of a certain product, at paulit ulit nila itong gagamitin. Sure na may passive income ka!
4. Fake or deceiving testimonial like:
"Manghiram ka lang ng (amount of package)... blah blah blah
Wala rin akong puhunan nun pero ginawan ko paraan,
ngayon may malaki na income ko."
Let me be frank. Kung sa package pa lang hirap ka na,
(which is the easiest part of any mlm, ang sumali)
what more pa yung expenses sa operation.
You are not yet ready, better pass to the opportunity
instead losing your money and time.
Obviously, pay in lang habol lang sayo.
You are most likely to fail, with this approach.
And they are already expecting you to quit within 90 days.
So, what leaders really do, either they we're financed
by the company or some generous person to run the
business effectively. You better find your own,
if you lacking for mobilization.
5. Yung paulit ulit ang mga hirit o spill at hindi marunong makaamoy ng kausap.
In sales, story sells. Kaso madalas ang sakit na sa tenga at sayang sa oras.
Or akala lahat ng tao na ihaharap sa kanila ay uto-uto.
Naexperience mo din ba yung nagdala ka ng guests na mapera
tapos biglang babaliwin bigla sa office kotse at pera. (the rest is history).
6. Mga sadyang makakapal ang mukha
Haharap sa group nya, na kunwaring big time.
Pero ang totoo nangungutang pa sa downlines (mas malala sa crosslines) haha.
At alam mo kung san kukuha ng pambayad dun sa ipapasok na kakakilala mo,
(after kang imotivate) naghihintay ng pay-ins mo.
Tapos, hindi ka pa rin babayaran kasi madaming dahilan.
7. Mga bayaran at magnanakaw na leaders
Napansin nyo ba lately na madaming nagsusulputan companies,
pero di makatake off kahit na sobrang husay yung mga core leaders.
Dahil yung mga leaders kuno, hihingi ng pondo, iikot sa provinces
Yun pala ibang kumpanya yung iprepresent or pinang iinom lang. haha
Kaya yung ibang foreign companies, ang tingin sa leaders natin ay mga "pokpok".
Syempre insulto sa pinoy, (alisan mo nalang) pero di mo sila masisi kung naexperience nila.
8. Self Proclaimed Earnings (To Brag or To Lure)
Ganito kasi yan bro, once you reached certain level of earnings
like 5k, 10k, 20k or more for the entire week, yan na ang pagagamit
ng upline mo as testimonial. Ikaw na ngayon si 20k weekly networker.
Pero ang totoo, minsan lang or isang beses lang nangyari
at mas madalas "zero" ka sa loob ng isang linggo dahil matumal ang pay-ins.
Kaya either niloloko mo sarili mo or niloloko mo yung kausap mo.
9. Time Freedom or Rat Race
Akala mo ba sa employment lang may rat race, sa mlm din meron.
Paano ka nagka time freedom kung kailangan mo mag stay o tumambay
sa office gabi gabi hanggang madaling araw dahil paulit ulit mong
sasabihin ang mga linya mo na napraktis 5 years ago.
Isang company palang dito sa pinas, ang nakita kong nagcreate
ng millionaires na sarado ang office bago sumapit ang 6:30pm.
10. ?