Ito nga ba ang alamat kung bakit
nagsisinungaling ang mga lalaki...?
Karpintero itong si Pedro at isang
araw eh gumagawa siya ng isang bahay
sa tabi ng ilog. Sa lakas ng
pagmamartilyo niya eh nalaglag ang
martilyo niya sa ilog.
Umiyak siya at lumitaw yung guardian
angel niya,
"Tutulungan kita, Pedro"
Sabay lundag sa ilog.
Lumabas ito na me hawak na gold
hammer,
"Ito ba ang martilyo mo?"...
"Hindi po."
Lundag uli ang anghel at lumitaw na me
silver hammer,
"Ito ba?"
"Hindi po."
Lundag uli sa ilog ang anghel at
lumitaw na me ordinary hammer,
"Ito ba?"
"Opo!"
Natuwa ang anghel.
"Dahil honest ka, bukod sa martilyo
mo, sa 'yo na rin ang gold and silver
hammer!"
Makara an ang ilang araw, naglalakad si
Pedro sa ilog at kasama ang misis
niya. Eh sa katangahan, nalaglag si
misis sa ilog.
Iyak si Pedro.
Litaw si guardian angel.
"Tutulungan kita."
Sabay lundag sa ilog at ng lumitaw eh
kasama si Diana Zubiri.
"Ito ba ang misis mo?"
Sagot si Pedro,
"Opo!"
Nagalit si anghel,
"Sinugaling ka! Akala ko pa naman eh
mabait ka."
Nag-reason-out si Pedro,
"Sorry po, angel... kasi kapag sinabi
kong 'Hindi', eh lulundag ka uli sa
tubig at paglitaw mo eh kasama mo si
Katrina Halili. At kapag sinabi ko uli
na hindi siya ang asawa ko, eh
lulundag ka uli at ang tunay na misis
ko na ang kasama mo. At dahil sa
kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa
akin sina Diana at Katrina.
Mahirap lang po ako at hindi ko kaya
ang may tatlong asawa, kaya 'Yes' na
lang ang sinagot ko nung una."
MORAL OF THE STORY:
Kaya lang naman DAW nagsisinungaling ang mga lalaki eh, for a good and noble reason.