_aRousers Club - Xs | Facebook
POSTED ON Motorcycle Rights Organization Page:
Pinagbigyan ng Land Transportation Office (LTO) ang hirit ng Department of Trade and Industry at ng grupong Motorcycle Rights Organization na ipagpaliban ang pagpapatupad ng Motorcycle Helmet Law sa Miyerkules, Agosto 1.
Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni LTO Chief Virginia Torres na mismong si Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretarty Mar Roxas ang nagsabing kailangan muna ang malawakang kampanya hinggil dito.
"Kaya ipino-postpone pa po ang implementing rules and regulations (IRR) na ginawa ng DTI at ng LTO at yan ay hindi pa ipapatupad doon sa mga standard helmet'.
"Sabi po ng ating secretary ay hindi pa po ito ipapatupad dahil kulang pa sa mga advertisement, sa mga pronouncement kaya minarapat ng DTI at LTO na magkaroon muna ng postponement."
Binanggit naman ni Torres na bagama't nanghuhuli na sila ng mga hindi naka-helmet, binabalewala naman nila ang requirement na ICC marks.
"Ang LTO po naman ay nanghuhuli ng mga hindi naka-helmet although we do not care for the standard now para sa proteksyon din po ng ating taumbayan na kahit anong helmet po ay pwede muna nilang gamitin," ani Torres.
Inamin ni Torres na mas marami na ang bilang ng mga motorsiklo at tricycle na nakarehistro ngayon sa LTO sa buong bansa.
Aniya, "Sa buong Pilipinas ay 53% ng 7.7 million registered motor vehicles in our office ay motorcycles that includes motorized tricycles."
30% aniya ng 7.7 milyong sasakyan na ito ay mga motorsiklo at tricycle ay dito lang sa Metro Manila matatagpuan.
reference:
DZMM Radyo Patrol 630 - Silveradyo