Mga Payo ni Doctor Dapat bang araw-araw ang pagpupu?
Luis P. Gamaitan, M. D.
Madalas akong natatanong kung gaano raw ba dapat kadalas ang pagpupu. Nakasanayan kasi ng marami sa atin ang araw-araw ay pumupupu. Kaya parang ito na ang itinakda nating standard pagdating sa pagpupu.
Pero tama nga ba ang kaisipang ito?
Hindi po. May mga taong kada ikalawang araw o ikatlong araw bago makaramdam ng tawag ng kalikasan sa pagpupu pero hindi naman matigas ang kanilang pupu. Normal dip poi to. Hindi naman talaga kainakailangan ang araw-araw na pagpupu. Nag-iiba-iba ito sa bawat tao.
Higit na dapat bigyan na pansin ay ang kalidad ng pupu, kung matigas ba ito o sapat lang ang lambot. Kahit dalawang beses pang magpupu sa maghapon pero matigas pa rin ang pupu, constipation pa ring matatawag ito. Tinatawag din nating pagtititbi ang constipation (at wala iton kaugnayan sa sakit na TB o tuberculosis).
Karaniwang karanasan ng maraming bata ang constipation. May mga bata kasing nagpipigil sa pagdumi kapag gust pang maglaro, O kaya naman ay nasa eskuwelahan at naiilang siyang sa toilet sa school pa siya pumupu.
Sa sobrang pag-iri, minsan ay may sariwang dugo pa na humahalo sa pupu. Nakararanas din ang pagsusugat sa paligid ng anus kung masyadong constipated. Rectal fissures ang tawag doon. Lalo tuloy natatakot ang bata ng magpupu ulit sapagkat muling madaraanan ang area na nagsugat. Ang tamang solusyon ditto ay palambutin ang pupu.
May mga pagkakataon na nakakakita tayo ng bahid ng pupu sa underwear ng bata. Maaari nating isipin nab aka nakararanas ng constipation ang ating mga anak at hindi lang nagsasabi sa mga magulang. Ganito ang nangyayayri riyan: kapag hinayaang sobrang tagal ang pupu na nakatambay sa dakong puwit , tumatagas ang likidong material sa pupu at puwedeng mag-leak sa suot na underwear ng bata. Sa dakong Soiling ang tawag sa prosesong ito, palatandaang matagal nang nagtitibi ang bata
Ano ang mga puwedeng gawin sa bahay kung nakararanas ng pagtitibi?
♦ I-tsek ang diet. Higit na mabuting tignan muna ang mga kinakain bago mag-isip uminom ang gamut.
♦ Epiktibo ang prune juice.
♦ Kung mahilig sa rice cereal, iwasan muna ito sapagkat nakapagdudulot ito ng pagtitibi.
♦ Iwasan din ang pagkain ng saging na latundan variety (ito yung manipis ang balat at puti ang laman). Nakaka-constipate ito.
♦ Damihan ang pagkain ng gulay at prutas. Ang pagkain mayaman sa fiber ay nakakatulong upang makaiwas sa constipation.
♦ Damihan ang pag inom ng tubig.
♦ Puwedeng subuking painumin ng mineral oil ang batang may sapat ng gulang (huwag itong ibigay sa mga baby pa lamang). Epiktibo rin ito.
♦ Kung kakailanganin ang gamit, karaniwang laxative ang ibinibigay. Marami ng gamut ngayon na nakapagpapalambot ng pupu.
♦ Puwede ring subukin ang suppositories (ito yung gamut na ipinapasok sa loob ng puwit upang madaling makapaglabas ng pupu).
♦ Kausapin ang bata kung may problema sa bahay o sa eskuwelahan (kung patuloy pa ring nakikita ang bahid ng pupu sa kanilang underwear).
♦ Gabayan ang inyong anak sa tamang paggamit ng toilet.