natingala ko kung mga mag basa2x ka sa uban forum, majority jud kay nakita ang heart sa among mayor para sa pobre...one ex. sa yahoo news pag basa2x mo didto makita ninyu ang comment from zamboanga, cotabato,iloilo,gensan, iligan, batangas, manila, ug uban pa,,tlagasahun ra ka makabasa didto nga nakita gugma sa among mayor sa mga pobre, pero dinhi nga kadgahan tga cebu grabe kaayo maka reac naka focus ra jud ilahang panan aw atong gisumbag hantod ra jud dha...unsa kahay pasabut ana??.another ex. ang text poll sa TV patrol 65% ang positive ato.....nganung ani maning tga cebu.....
sa yahoo news hah
let's admit it.. may mali talaga dun sa ginawa ni Mayor Sara.. but she is willing (IMO) to trade her job and reputation just to protect the lives of the people behind the demolition.
simple instruction.. for better solution.. hindi maintindihan..
Kung tamang asal at batas ang pag-uusapan, maling-mali talaga ang ginawa ng Davao City Mayor. Sabi ng court sheriff, pinatutupad lang naman nya ang utos ng korte. Pero..parang hindi ko rin kasi masisi ang Mayor nila eh. Base daw kasi sa initial reports "Duterte had asked the court for a 2-hour extension to allow residents of Barangay Kapitan Tomas Monteverde Sr. Suliman, Agdao to leave the demolition site, but her request was ignored." Then, nakiusap pa daw ang Mayor na hintayin syang dumating bago simulan ang demolisyon, kasi kasalukuyan pa syang nasa relief operation sa isang lugar doon na apektado talaga ng baha. Sana man lang yung judge na nagbaba ng demolition order, nagkaroon man lang sana ng PUSO. Naisip man lang nya sana "teka, kasalukuyang dumadanas ngayon ng kalamidad ang lugar, maraming namatayan, kasalukuyan pang hirap ang kalooban ng mga tao, palipasin ko muna kahit ilang araw lang, saka ko na ipag-uutos yung demolisyon dun"....hindi ba pwede yun?Mahirap ba yung hayaan mo man lang sana maka-recover yung mga nasalanta?Ano bang klaseng judge yun, wala man lang puso. Sya kaya ang lumugar sa situation nung mga tao dun, na after bahain, mamatayan ng mga kaibigan o kaanak, bigla wawasakin tinitirhan mo. Hindi ka ba magwawala sa galit?Pinahupa man lang sana yung "putik-putik" nilang kondisyon. Eh palibhasa iniisip yata nung judge, "magandang ipatupad na yung demolisyon, wasak na rin lang mga bahay dun eh, mas mapapadali ang trabaho.." Haay..hindi naman sa susuwayin ng mga tao yung desisyon, kasi for sure, darating at darating talaga yung pagkakataon na mapipilitan na talaga yung mga tao na umalis sa lugar, no choice eh, pero hindi na muna sana ngayong lugmok at hirap pa sila. Hay, anong klaseng justice system meron dito sa Pilipinas?Walang puso....
Hanggang ngayon ay hindi ma-alis alis ang laking mangha ko sa napanood ko kagabi sa TV....hindi ko lubos mawari kung anong meron ang isang MAYOR SARA DUTERTE na iyan....isipin mo, nasa gitna ng tension at halos nagbakbakan na, nang dumating sya, at nang makita sya ng mga tao bigla huminto at tumabi ang mga ito habang nag-tsi-cheer ang iba na akala mo dumating na si Superman para iligtas sila sa isang monster....GANOON BA SYA talaga ka-mahal at karespito ng mga taga Davao? Dahil sa dinami-daming riot na nakita ko sa tv...pumagitna rin ang isang KAGALANG-GALANG na nilikha...pero pati sya ay binato...kaya para akong na-shock sa nakita ko kagabi....KAKA-IBA BA TALAGA ang KARISMA NG MGA DUTERTE sa taga DAVAO? Sa amin dito sa Iloilo...kailan kaya dumating ang ganitong senaryo
Pag-puti ng Uwak?....wak-wak-wak-wak
Habang nanonood ako ng news di ko talaga mapigilan ang humanga kay Mayor Duterte ng Davao, may mga Mayors kasi na kinatatakutan pero hindi ginagalang, unlike kay mayor Duterte nirerespeto at sinusunod sya ng mga tao, dahil siguro sa matapat nyang sebisyo publiko, nakita nyo nman napakalma nya ang mga residente na galit na gali at nagsiyuko pa sa isang tabi..ibig sabihin nandyan na ang totoong batas..Nakakaawa rin nman yung nan----ari sa Sheriff pero sana nga lang pinag isipan din muna nya ng maiigi bago sumunod sa utos ng korte, may boses nman sya na maaring magpabago sa desisyon kahit panandalian lang, minsan kasi mahirap yung sunod ng sunod kahit mali, lahat naman tayo pwede magbigay ng opinyon kung alam mong nasa tama ka, sana ganon muna ginawa mo sheriff ng di kayo nasaktan..
i don't know mayor Sarah personaly but i can atest to the kind of leader (or at least she is trying to be). we went to davao sometime ago as a group of representative from local companies. Sarah is one of our host, she is not the mayor yet by that time. she welcomed us. take us for a stroll around the venue. even joined picture takings and personaly explaining what davao can offer? since then i became a believer of the Duterte's....it's not all about bravado but a sense of responsibility for the people of davao. hope we have more leaders like Sarah (not punching people) who has the "balls" to go against to thise people who thinks theay are above the law etc.
kudos Mayor Sarah and to the people of Davao!!!
Wow i was so impressed at what Mayor Sarah Duterte did punching a sheriff! And it hit me we Davaoenos are very lucky to have a mayor like her though im not really from Davao City, i feel proud and lucky. She have the true blood of a public servant and the valor of the ancient Joan of Arc.. and it surely run in the veins of the Duterte's. If we only have at least a president like her.. im sure our country would be able to rise up and be a country admired by the world like we admire Davao City. I hope we will have more Sarah Detertes in our country...willing to defend for what is right for humanitarian reason. May God bless u Sarah for u have the heart of the great and possess the agility and dexterity of an eagle and the fierce, daring, aggressive qualities of a tiger, * which is an admirable quality few leaders possess.* Long live Davao City!
Saludo ako sa iyo Mayor Sara! Kung ako ang nasa lugar mo, gagawin ko rin yon, not once but as many number of people who were hurt by the demolition. Isang suntok para sa bawat taong nasaktan dahil sa kawalan ng puso ng Sheriff at ng Judge. Ano ba namang yang 2 oras para maiwasan ang gulo at sakitan? Sometimes you need to do it if only to send a message to people who are heartless.Haven't they heard about the preferential option for the poor and the disadvantaged?
Good day to everyone. Many times I've witnessed demolition here in Tarlac City pero yung nalungkot talaga ako nung kaibigan ko na ang involve at isa sa mga idedemolish. Dun ko nakita ng malapitan ang demolition team na binubuo ng Sheriff, ang mga taong may hawak ng maso, martilyo na pawang nakatakip ang mga mukha at mga kapulisan na pawang animoy walang pusong gumaganap sa kanilang trabaho. Nagkaron ako ng pagkakataon kausapin ang isa sa may hawak ng maso sabi ko sa knya pano nya naaatim ang ganung klase ng trabaho kung alam nyang makaksakit sya ang sabi nya sa akin dahil sa P500.00. Nakita ko sa mga mata nya nangingilid ang mga luha ngunit alam ko na wala nalang syang magawa kundi sumunod, Kung hindi nila masisira ang bahay sa itinakdang oras hindi daw sila babayaran sabi ng Sheriff sa kanila. Maaaring yun ang dahilan kung bakit nagmadali ang demoltiion team na isagawa ang nasabing demolition. Isa lang itong patunay na ang kahirapan ang dahilan kaya napipilitan gumawa ng masama ang mga tao. Kahit labag ito sa kalooban. Sa mga oras na ginigiba ng mga demolition team ang bahay ng kaibigan ko katulad din ng nararamdaman na galit ni Mayor Duterte ang nasa puso at isip ko at kung ganun nga lang din ako kalakas ang loob ansarap upakan ng Sheriff na parang ansaya ng mukha habang unti unti ng bumabagsak ang mga bahay.
pati ang tga Commission on human right etta rosales, kita pod niya ang heart sa among mayor.......
nganung ang cebu kitid man kaayo mag huna2x?