Kung tamang asal at batas ang pag-uusapan, maling-mali talaga ang ginawa ng Davao City Mayor. Sabi ng court sheriff, pinatutupad lang naman nya ang utos ng korte. Pero..parang hindi ko rin kasi masisi ang Mayor nila eh. Base daw kasi sa initial reports "Duterte had asked the court for a 2-hour extension to allow residents of Barangay Kapitan Tomas Monteverde Sr. Suliman, Agdao to leave the demolition site, but her request was ignored." Then, nakiusap pa daw ang Mayor na hintayin syang dumating bago simulan ang demolisyon, kasi kasalukuyan pa syang nasa relief operation sa isang lugar doon na apektado talaga ng baha. Sana man lang yung judge na nagbaba ng demolition order, nagkaroon man lang sana ng PUSO. Naisip man lang nya sana "teka, kasalukuyang dumadanas ngayon ng kalamidad ang lugar, maraming namatayan, kasalukuyan pang hirap ang kalooban ng mga tao, palipasin ko muna kahit ilang araw lang, saka ko na ipag-uutos yung demolisyon dun"....hindi ba pwede yun?Mahirap ba yung hayaan mo man lang sana maka-recover yung mga nasalanta?Ano bang klaseng judge yun, wala man lang puso. Sya kaya ang lumugar sa situation nung mga tao dun, na after bahain, mamatayan ng mga kaibigan o kaanak, bigla wawasakin tinitirhan mo. Hindi ka ba magwawala sa galit?Pinahupa man lang sana yung "putik-putik" nilang kondisyon. Eh palibhasa iniisip yata nung judge, "magandang ipatupad na yung demolisyon, wasak na rin lang mga bahay dun eh, mas mapapadali ang trabaho.." Haay..hindi naman sa susuwayin ng mga tao yung desisyon, kasi for sure, darating at darating talaga yung pagkakataon na mapipilitan na talaga yung mga tao na umalis sa lugar, no choice eh, pero hindi na muna sana ngayong lugmok at hirap pa sila. Hay, anong klaseng justice system meron dito sa Pilipinas?Walang puso....