And what can you say about this letter from jose rizal to all young filipinos?
at ano ang kabanalang itinuró sa atin? Magdasal at lumuhod ng matagal, humalik ng kamay sa parí,
ubusin ang salapí sa simbahan at paniwalaan ang balang masumpuñgang sabihin sa atin? Tabil ng bibig,
lipak ng tuhod, kiskis ng ilong..... bagay sa limos sa simbahan, sangkalan ang Dios, may bagay baga sa mundong
ito na dí arí at likhá ng Maykapal? Ano ang inyong sasabihin sa isang alilang maglimos sa kayang panginoon ng isang basahang
hiram sa nasabing mayaman? Sino ang taong dí palaló at ulol, na mag lilimos sa Dios at magaakalang ang salantá niyang kaya ay
makabibihis sa lumikhá ng lahat ñg bagay? Pagpalain ang maglimos sa kapus, tumulong sa mayhirap, magpakain sa gutom; ñguní at
mapulaan at sumpain, ang biñgi sa taghoy ng mahirap, at walang binubusog kundí ang sandat, at inubos ang salapí sa mga frontal
na pilak, limos sa simbahan ó sa frayleng lumalañgoy sa yaman, sa misa de gracia ng may tugtugan at paputok, samantalang ang salaping
ito'y pinipigá sa buto ñg mahirap at iniaalay sa pañginoon ñg maibili ng tanikalang pangapus, maibayad ng verdugong panghampas.
Ó kabulagan at kahiklian ng isip!
Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuid, anoman ang mangyari. "Gawá at hindí salitá ang hiling ko sa inyo" ani Cristo;
"hindí anak ni ama ang nagsasabing ulit-ulit ama ko, ama ko, kundí ang nabubuhay alinsunod sa hiling ñg aking ama."
Ang kabanalan ay walá sa pulpol na ilong, at ang kahalili ni Cristo'y di kilala sa halikang kamay. Si Cristo'y dí humalik sa mga Fariseo,
hindi nagpahalik kailan pa man; hindí niya pinatabá ang may yaman at palalong escribas; walá siyang binangit na kalmen, walang pinapagcuintas,
hiningan ng pamisa, at di nagbayad sa kanyang panalangin. Di napaupa si San Juan sa ilog ng Jordan, gayon din si Cristo sa kanyang pangangaral.
Bakit ngayo'y ang mga pari'y walang bigong kilos na di may hinihinging upa? At gutom pa halos nagbibili ng mga kalmen, cuentas, correa at ibapa,
pang dayá ng salapi, pampasamá sa kalulua; sa pagkat kalminin mo man ang lahat ng basahan sa lupá, cuintasin mo man ang lahat ng kahoy sa bundok
ibilibid mo man sa iyong bayawang ang lahat ng balat ng hayop, at ang lahat na ito'y pagkapaguran mang pagkuruskurusan at pagbulongbulongan ng lahat ng
pari sa sangdaigdigan, at iwisik man ang lahat ng tubig sa dagat, ay di mapalilinis ang maruming loob, di mapatatawad ang walang pagsisisi. Gayon din sa
kasakiman sa salapi'y maraming ipinagbawal, na matutubos kapag ikaw ay nagbayad, alin na ngá sa huag sa pagkain ng karne, pagaasawa sa pinsan, kumpari,
at iba pa, na ipinahihintulot kapag ikaw ay sumuhol. Bakit, nabibili baga ang Dios at nasisilaw sa salaping paris ng mga pari? Ang magnanakaw na tumubos
ng bula de composicion, ay makaaasa sa tahimik, na siya'y pinatawad; samakatuid ay ibig ng Dios na makikain ng nakaw? Totoo bagang hirap na ang Maykapal,
na nakikigaya sa mga guarda, carabineros ó guardia civil? Kung ito ang Dios na sinasamba ñg Frayle, ay tumalikod ako sa ganyang Dios.