Lately, everything seems to go out of hand. Lagi na kami nag aaway ni bf, almost every weekend. Alam nya ung mga ayaw ko, but ginagawa parin niya. At ang hilig nya mag deny na kahit huling huli na sya, dinedeny parin nya. It's annoying. dumadating sa point na makikipag hiwalay nako since sa dalas ng pag aaway namin, wala ng naiwang pagmamahal pa. lagi niya sinasabi na gagawin niya lahat, magbabago sya, promise ng promise di naman natutupad. kapag aalis na ako, pag makikipag hiwalay nako, kunwari magpapakamatay. of course in my end ayoko ng ganun since ako angsisisihin ng mga tao. ilang beses na nya ginawa saken yun e. nakakainis. instead na gumawa sya ng way na para mahalin ko sya ulit, iba ginagawa nya. pag nagaaway kami, bigla nalang mawawala, buong magdamag mawawala, or 2 days, walang dalang phone o pera, parang gusto niya na nag aalalala ako. kapag naiisip ko naiirita lang ako. ang dami niya pang ginawa. pinahiya nya na ako sa mga kaopisina ko, gusto niya kung san ako pupunta lagi siyang andun, wala na ako time para sa sarili ko, kaya eto feeling ko ang losyang ko na. nasasakal nako talaga. lalo na sa ilang beses nyang suicide attempts. kaso ang hirap isaisahin.
di ko lang alam pano sasabihin or pano dadahandahanin sakanya. help naman.