Results 1 to 7 of 7
  1. #1

    Default Lagi na lang masa, masa, masa...


    Masa na lang ba? Paano tayo?

    Galing sa isang ordinaryong manggagawa sa Pilipinas!
    -------------------------------------------------

    Walang kwenta ang Pilipinas

    By: jawbreaker. (isang ordinaryong office worker na ayaw nang magbayad
    ng tax...ever!)

    Walang katapusang corruption, walang kamatayang pangbabatikos,
    pagbabatuhan ng tae at pagpapa-taasan ng ihi ng mga pulitiko sa
    bawatisa, walang tigil na imbestigasyon ng kung ano-anong isyu pero wala
    namang matinong resolusyon, walang puknat na pag-aagawan ng
    kapangyarihan sa pagitan ng mga partido, patuloy na pagdami ng tamad at
    tangang Pilipino, SILANG patuloy na pakikipaglaban ng ideolohiyang wala
    namang
    silbi.

    SINONG "SILA"? EH DI MGA CORRUPT NA GOVERNMENT OFFICIALS AND WORKERS,
    MGA TAMBAY NA PILIPINO NA ANG LALAKI NG KATAWAN PERO HINDI NAMAN
    NAGTRATRABAHO AT HINDI NAGBABAYAD NG TAX, MGA MAYAYAMAN AT ARTISTANG TAX
    EVADERS, PATI MGA AKTIBISTA, NPA AT IBA PANG IDEOLOGICAL GROUPS NA HINDI
    NAGBABAYAD NG TAX PERO PANG-GULO!!!


    Lagi na lang sinasabi ng mga pulitiko: Ipaglaban ang masa! Tulungan ang
    masa! Mahalin ang masa!

    MASA LANG BA ANG TAO SA PILIPINAS?

    SINO BA TALAGA ANG BUMUBUHAY SA BANSANG TO?

    SAAN BA GALING ANG PANGPAGAWA NG MGA TULAY AT KALYE? SAAN BA GALING ANG
    PORK BARREL? SAAN BA GALING ANG PERANG KINUKURAKOT NILA?

    KAMI NA MGA MANGGAGAWA AT MIDDLE CLASS NA BAGO PA MAKUHA ANG SWELDO
    BAWAS NA - KAMI ANG BUMUBUHAY SA BANSA NA 'TO!!!!!!!!!

    BAKIT YANG BANG MGA MASANG YAN NA LAGI NA LANG SENTRO NG PLATAPORMA NG
    MGA PULITIKO EH NAGBABAYAD BA NG TAX cla!!!!

    KAHIT ISA SA MGA NAG-RA-RALLYING MGA SQUATTER NA YAN, KAHIT SINGKO HINDI
    NAG-RE-REMIT YAN SA BIR!

    PERO PINAPAKINGGAN BA KAMI NG GOBYERNO?

    LAGI NA LANG OPINYON NG MASA ANG INI-INTINDI NG GOBYERNO.

    KUNG SINO ANG NAG-RA-RALLY, SA EDSA, SILA ANG NASUSUNOD.

    KUNG SINO ANG MAS MALAKAS SUMIGAW PERO WALA NAMANG ECONOMIC
    CONTRIBUTION, SILA LAGI ANG FOCUS PAG MAY PROBLEMA.

    SILA LAGI ANG BIDA.

    KAMING MGA ORDINARYONG OFFICE WORKERS, OFW'S, LABORERS AT IBA PANG
    NAG-TRA-TRABAHO AT NAGBABAYAD NG TAX - KAMI ANG NAGPAPAKAHIRAP PARA
    BUHAYIN ANG PILIPINAS. KAMI ANG MGA TUNAY NA BAYANI NG BANSA!!!

    Tuwing nakikita ko ang payslip ko, nag-iinit ang ulo ko at gusto kong
    maiyak sa inis. Napakalaki ng tax na binabawas sa akin pero ginagamit
    lang sa walang kwentang bagay ang perang pinaghirapan ko.

    Lahat ng pagtitipid ginagawa ko para suportahan ang sarili ko, pamilya
    ko at ang bansang to. Ni hindi ako makabili ng chicken and spaghetti
    meal sa Jollibee kahit gutom na gutom na ko. Nag-tya-tyaga ako sa waffle
    na tig-P10, o kaya pag may konting pera, junior bola-bola siopao sa
    Mini-Stop sa halangang P20.

    Eh kung yung pera ko na pinapangbabayad sa tax sa kin na lang napunta,
    eh di sana nakakapanood pa ko ng sine at least 2 beses sa isang buwan.
    Nakabili na sana ako ng bagong rubber shoes. Nakapagpagawa na sana ako
    ng sarili kong bahay.

    Yung tax na binabayad ko, karamihan nun derecho sa bulsa ng mga corrupt
    na mga government officials at workers. Habang hirap na hirap akong
    i-budget ang pera ko, sila naman nagpapakasarap sa mga mansyon. SUV's at
    luxury cars pa ang dina-drive nila, samantalang ako sa pedicab lang
    sumasakay!

    PERA KO YANG PINAPAGPAPASASAAN NYO!!!!!

    Yung tax na binabayad ko, pinapangsuporta sa mga mahihirap. Saan ba
    galing ang pera pangpagawa ng housing at pagtulong sa mga mahihirap, di
    ba sa mga manggagawa na nagbabayad ng buwis! Pero karamihan ng
    mahihirap, kung umasta kala mo inaapi sila ng sobra.

    SA TOTOO LANG NO, KAYA ANG MGA MAHIHIRAP LALONG NAGHIHIRAP KASI MGA
    TAMAD!

    Ang daming mga tambay sa kalye na walang trabaho pero ang laki ng
    katawan. Eh kung sila ba nagkargador sa pier eh di sana may pera sila.

    TAPOS WALA NA NGANG PERA, ANAK PA NG ANAK!

    LALO NYO LANG PINAPADAMI ANG TAMAD AT TANGA SA MUNDO!!!!!

    Naaawa ako sa mga batang pakalat-kalat sa kalye at namamalimos. Imbes na
    nag-aaral, dumadagdag lang sila sa bilang ng mga future criminals sa
    Pinas. Hindi ako magtataka na yung batang nakita kong namamalimos sa
    Cubao, pagkatapos ng ilang taon cellphone snatcher na.

    YUNG MGA MAGULANG NAMAN DYAN, COMMON SENSE LANG! HIRAP NA HIRAP NA NGA
    KAYO SA BUHAY, MANGDADAMAY PA KAYO NG IBA?! PAPARAMIHAN NYO PA LAHI NYO!

    Palibhasa walang mga trabaho at walang pinagkaka-abalahan, kaya
    nagkakalabitan at nagsusundutan na lang maghapon, magdamag. Sa totoo
    lang, nakakabilib. Kasi kahit sa ilalim ng tulay o sa kariton lang,
    nakakabuo pa rin ng bata! Ibig sabihin, maabilidad ang mga Pinoy. Kung
    gugustuhin, gagawan ng paraan. Kahit sa makipot, mabaho at maduming
    lugar - SOLVE!

    Isa pang mga grupo ng tao na nakakainis, yung mga aktibista, NPA at kung
    ano-ano pang ideological political groups. Sabi nila, mahal na mahal
    nila ang Pilipinas kaya pinagpalalaban nila ang kanilang mga adhikain.

    EH HINDI RIN KAYO NAGBABAYAD NG TAX! ANG KAKAPAL RIN NG MGA MUKHA NYO!

    MGA HIPOKRITO! MAHAL DAW ANG PILIPINAS AYAW NAMAN MAGBAYAD NG BUWIS!

    WALA DIN NAMAN KAYONG MGA TRABAHO! KUNG MAY TRABAHO TALAGA KAYO, HINDI
    KAYO MAG-RA-RALLY DAHIL SAYANG ANG SWELDO NYO PAG ABSENT KAYO!

    PAANO NYO MAIPAPAKITA ANG PAGMAMAHAL NYO SA PILIPINAS KUNG WALA NA
    KAYONG GAWANG MATINO KUNDI MAG-RALLY AT MAMUNDOK??!!!

    ISA PA YANG MGA MAYAYAMAN NA ARTISTA, NA NANGDADAYA AT HINDI NAGBABAYAD
    NG BUWIS. ANG KAKAPAL NG MUKHA NYO! ANG DAMI NYO NA NGANG PERA
    NANGDADAYA PA KAYO SA TAX!!!! HINDI NYO NAMAN MADADALA SA IMPIERNO YANG
    MGA KAYAMAN NYO. MASUSUNOG LANG DUN YAN.

    KAYA LALONG BUMABAGSAK ANG NEGOSYO DITO SA PILIPINAS, KASI MGA
    NEGOSYANTE MANDARAYA. PATI SHOWBIZ INDUSTRY, BAGSAK NA DIN. KARMA ANG
    TAWAG DYAN. MGA BALASUBAS KASI.

    Sana magkaron ng POLITICAL AND NATIONAL CLEANSING.

    Alisin ang lahat ng pulitiko at political families sa puwesto. Tibagin
    ang lahat ng mapanirang organizations at grupo. Itapon sa malayong isla
    o kaya i-pwersa ng hard labor ang mga sobrang tamad na mga Pilipino.
    Ihiwalay ang mga bata sa kanilang mga tamad at tangang magulang upang
    makapag-aral sila at maturuan na maging mabuting tao at mamamayan.
    Magkaron ng bagong lider na walang political ties at utang na loob sa
    kahit sino.



    At higit sa lahat, dapat tax payers lang ang pwedeng bumoto!

    Kung kinakailangang magka-giyera para magtino ang mga Pilipino, ayos
    lang. Masyado na kasing matigas ang ulo ng mga tao dito. Gusto ng
    kalayaan, pero hindi naman handang panagutan ang responsibilidad ng
    pagiging malaya. Meron daw pinaglalaban na prinsipyo at adhikain pero
    takot namang mamatay para dito.

    Hangga't hindi nagkakaron ng radical change, patuloy na walang kwenta
    ang Pilipinas at patuloy na magiging tanga ang majority ng mga Pilipino.

    Sa dami ng nag-mi-migrate na Pilipino sa ibang bansa, dadating ang
    panahon na minority na lang ng population sa Pilipinas ang may utak.
    Yung mga magagaling na Pilipino, malamang maubos na. Sobra na kasi
    silang na-fru-frustrate at na-de-depress sa mga nakikita nila.

    Ilang taon pa at aalis na rin ako sa Pilipinas. Wala kong balak na
    magkaron ng pamilya sa isang bansa na hindi pinapahalagahan ang
    kontribusyon ng mga taong tunay na bumubuhay dito. Kawawa naman ang
    magiging anak ko kung dito sya mabubuhay.

    Sa totoo lang, broken hearted ako. Minahal ko din ang bansang ito. Pilit
    kong pinagtatanggol kahit bulok. Nakarating na ko ng ibang bansa, pero
    pinili kong bumalik. Pero ngayon, ayoko na. Suko na ko. Sayang lang ako
    sa bansang to. Simple lang naman ang hiling ko. Gusto ko lang mabuhay ng
    tahimik at maayos.
    Gusto ko na kahit paano eh maipagmalaki ang Pilipinas. Pero wala eh.
    Doomed to be jologs ang bansang to.

    Alam ko marami pa ang umaasa at naniniwala sa pagbabago. Good luck and
    God bless! Sana tama kayo at mali ako.
    -------------------------------------------------------------------------------------------------------------

    ---Got this from a newsgroup. The Truth hurts but the guy who wrote all this makes sense. Oh well...


  2. #2

    Default Re: Lagi na lang masa, masa, masa...

    yeah... og kani si jawbreaker member dinhi og diri ni gi-post ang original...

  3. #3

    Default Re: Lagi na lang masa, masa, masa...

    Quote Originally Posted by FK
    yeah... og kani si jawbreaker member dinhi og diri ni gi-post ang original...
    Hi there jawbreaker...nice knowing you...hehehe!

  4. #4

    Default Re: Lagi na lang masa, masa, masa...

    Saludo ako sa iyo pare.. naniniwala ako jan... Sa totoo lang..

    mabuhay ang mga taong nagpapakahirap gumising ng maaga para lamang kumita ng kwarta,,
    mabuhay ang magtataho na naglalakad sa init ng araw para lamang makapagtinda
    mabuhay ang mga traysikad drayvers na kahit masakit sa paa ang pagpadyak gumagawa ng paraan
    mabuhay ang mga basurerong hindi nandidiring humawak ng mga basa at naninikit na basura natin
    mabuhay ang mga nagkakabit ng kuryente na hindi natatakot umakyat ng poste

    at mabuhay sa mga estudyanteng nagpupusigue at nagaaral para lamang makapagtrabaho at buhayin at bansa nating nalulugmok na


  5. #5

    Default Re: Lagi na lang masa, masa, masa...

    Pero.. sa totoo lang..
    masuwerte rin naman tayow
    dahil kaya natin manuod ng sine, kaya natin bumili ng sapatos, kumain ng pizza, magpabango, gumamit ng roll on, mag text sa cellphone, uminom ng san mig lite sa bar, mag taxi kung umuulan, mag absent sa school, mag bilyar kasama ang barkada, mag inom sa likod ng school, bumili ng magazine, mag Coke kung uhaw atbp

    yung mga kababayan nating mahihirap... im sure ni hindi pa nakasubok kumain sa Don Henricos,
    HIndi pa nakasubok manuod ng sine sa Ayala
    HIndi pa nakasuot ng bagong damit na galing sa mall
    HIndi pa naka higa sa kamang malambot
    HIndi nagkarun ng bagong rubbershoes,
    Walang skuwelang pinapasukan
    Kinakabahan pag umuulan dahil baka liparin yung bahay nila
    Nananaginip ng kumot ng makapal kung maginaw
    Nagaasam ng mainit na sabaw kung tagulan
    HIndi pinapapasok sa mall dahil madumi
    Hindi pa nakapag cologne
    HIndi pa nakagamit ng St Ives na shampoo

    at marami pa na nararanasan mo..
    at bakit

    dahil hindi sila nabibigyan ng chansang umangat..

    Kahit hirap tayo sa pagtratrabaho, masuwerte pa rin tayow dahil kumikita tayow ng kahit konti..
    at nakakaranas ng mga kaunting kaginhawaan sa buhay...

    Sama sama tayo dito sa labang ito.. pare pareho tayowng biktima..
    Ang magagawa lang natin ay magtulungan

  6. #6

    Default Re: Lagi na lang masa, masa, masa...

    Yes, thats why instead of high end automation, i still go for manual labor. to help those people who have skills and works hard to earn a decent living. but still, some people tend to abuse your kindness to them. i relieved one of my employees for being lazy and dishonest in his work, i gave him a lot of chances na pero abusado gihapon. paet.

  7. #7
    Amahan ni Erlinda potterboy's Avatar
    Join Date
    Nov 2002
    Gender
    Male
    Posts
    4,629
    Blog Entries
    1

    Default Re: Lagi na lang masa, masa, masa...

    u know what, "masa" is term used by politicians when they "reach out for votes". it is the subject of their plans, orations, and their so-called inspiration. "para sa masa" is another phrase used by politicos when they need "a much bigger tally of their votes". they ddnt abolish pork barrel coz of that phrase.

    in short. the term "masa" is an abused word. raped. for generations.

    lagi nalang masa...


    THIS IS FOR THE FILIPINOS. the economic crisis does not affect the so-called masa. coz virtually, it wasnt there. it affects us, the FILIPINO people. we are the "masa". the real ones. sadly, theyre not focusing on us. theyre on their bank accounts.

    whoever voted for the trapos shud be crucified.
    iSTORYA.net Sitewide Forum Rules
    Buy/Sell/Trade/Classifieds Forum Rules
    Frequently Asked Questions (FAQ)

    The philosophers have only interpreted the world, in various ways. The point, however, is to change it.

  8.    Advertisement

Similar Threads

 
  1. Tulis na lang Pirme?
    By junmar4 in forum Politics & Current Events
    Replies: 12
    Last Post: 11-17-2008, 01:01 PM
  2. Ang Girls na lang ba ang mosabot sa mga Guys?
    By azz_gurL in forum "Love is..."
    Replies: 39
    Last Post: 03-07-2008, 02:16 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top